KALINGA
By: PAPURI SINGERS
Sa paraiso ng Eden
Unang nakamtan
Ang mayamang pagbuhos biyayang di asam
At gayon na lang pagpapatawad Mong laan
sa hubad na kasalanan ni Adan
Hanggang pag-agos ng taon
Saksing kasaysayan
Bawat hibla sa panahon ng iyong pagmamahal
Sa gitna man ng laksa-laksang pagkukulang
Pagpapalang dulot mo ay di mabilang
[FROM: http://lyricscollectionfree.com]
Kaylan pa man
Kalinga Mo'y alay sa katawan
Nanlalamig balabal Kang taglay
Kung magkamali pag-ibig Mong pang hahawakan ko
Balutin ng muli sa init
Ng kalinga Mo
Kung may unos mang dumating
Sa'king daraanan
Di mangangamba dahil Ikaw ay naryan lang
Sa gitna man ng anino ng kamatayan
Ang kapayapaan Mo ang syang tanaw
Sa pagdaan ng kaylan man
Habang panahon
Sa kahapon at ngayon maging sa paglaon
Handog Mo'y itong balabal Mo Panginoon
Ang apoy ng Iyong kalinga ay naroroon
Kaylan pa man
Kalinga Mo'y alay sa katawan
Nanlalamig balabal Kang taglay
Kung magkamali pag-ibig Mong pang hahawakan ko
Balutin ng muli sa init
Kaylan pa man
Kalinga Mo'y alay sa katawan
Nanlalamig balabal kang taglay
Kung magkamali pag-ibig Mo pang hahawakan ko
Balutin ng muli sa init ng Iyong pag-ibig
Kaylan man sa init
Ng kalinga Mo
KALINGA – PAPURI SINGERS